Rise Up Records
MGA KARAGDAGANG MATERYALES PARA BASAHIN / TINGNAN
BINGO
Para manalo ng mga premyo, kakailanganin mong kumumpleto ng tatlo sa isang diretsong linya -- at ipakita na kinumpleto mo ang mga ito. Siguraduhing nagawa mo ang bawat isa sa tatlong aksyon bago bumalik sa Rise Up Records. Narito ang background na impormasyon tungkol sa kung paano kumpletuhin ang bawat aksyon:
- Magparehistro sa Pagsasanay para sa NEO sa Zoom: Sa Sabado, ika-8 ng Hunyo, magdaraos tayo ng isang oras na pagsasanay sa Zoom tungkol sa kung paano magsagawa ng Oryentasyon ng Bagong Hire. Magparehistro dito at mangakong dadalo para makumpleto ang aksyong ito.
- Hanapin ang Online na Form ng Iyong COPE: Maraming Lokal ang may link sa kanilang website kung saan makakapag-sign up ang mga kasalukuyang miyembro para makapagsimula na ring mag-ambag sa SEIU COPE Political Fund, na tumutulong para siguraduhing mayroon tayong pulitikal na kapangyarihan para protektahan ang mga pinaghirapan nating pulitikal at lehislatibong tagumpay na pinapabuti ang mga pampublikong serbisyo pati na mga buhay ng mga pamilyang manggagawa. Kakailanganin mong ipakita ito sa kawani sa Rise Up Records para makumpleto ang aksyong ito.
- Hanapin ang Iyong Online na Form ng Miyembro: Karamihan sa mga Lokal ang may link sa kanilang website kung saan makakapag-sign up na maging miyembro ng kanilang unyon ang mga hindi pa kasalukuyang miyembro. Kakailanganin mong ipakita ito sa kawani sa Rise Up Records para makumpleto ang aksyong ito.
- Magsulat ng Script para sa Bagong Hire: Sa kaha ng CD na ibinigay sa iyo, may script na may mga fill-in-the-blank na tugon at open-ended na tanong. Isulat ang mga sagot sa mga tanong na iyon at ipakita ang mga iyon sa kawani sa Rise Up Records para makumpleto ang aksyong ito.
- Panoorin ang Video ng NEO: Panoorin ang video na ito at maghandang sumagot ng mga tanong tungkol dito sa Rise Up Records para makumpleto ang aksyong ito.
- Mag-email sa Isang Hindi Miyembro na Sumali: May iba pa bang tao sa trabaho na hindi pa kasali sa unyon? Isang taong bago lang, o isang taong hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong matutunan ang tungkol sa unyon? Padalhan siya ng email na magbibigay-kaalaman sa kanya kung bakit mahalaga para sa kanya ang unyon sa trabaho para makumpleto ang aksyong ito.
- Punan ang Form para sa Pinuno ng NEO: Interesado ka bang mag-sign up sa Lokal mo para maging Pinuno ng NEO, at magsagawa mismo ng mga oryentasyon sa trabaho at sumagot ng mga tanong mula sa mga bagong hire? Kung oo, punan ang form na ito.
- Imbitahan ang mga Katrabaho na Sagutan ang Form para sa Pinuno ng NEO: May field ang form para sa Pinuno ng NEO para sa kung sino ang nag-imbita sa sumasagot na punan ang form. Kung may ibang taong maglagay ng pangalan mo sa field na iyon sa unang beses na sagutan niya ang form, makukumpleto mo ang aksyong ito.
- I-post ang Form ng Miyembro sa Social Media: Nakakonekta sa social media ang ilan sa katrabaho natin. Mag-post online at ipagmalaking miyembro ka ng unyon at magsama ng link sa online na form ng miyembro ng iyong Lokal. Ipakita ang post mo sa kawani ng Rise Up Records para makumpleto ang aksyong ito.
Updated May 10, 2024